4 Na Mahahalagang Katotohanan Na Kailangang Malaman ng Mga Bagong Magulang
Isinulat ni: Meredith Brough, Executive Contributor
Ang mga Executive Contributor sa Brainz Magazine ay napili at inanyayahan upang mag-ambag dahil sa kanilang kaalaman at mahalagang pananaw na saklaw ng kanilang kadalubhasaan.
Inaasahan mo bang maging 100% handa para sa pagiging magulang at lahat ng mga hamon nito? Sa mga tambak na gawain na kailangang tapusin at dami ng impormasyon na dapat unawain, ang paghahanda para sa pagdating ng iyong sanggol ay maaaring nakakalula minsan. Paano mo mabibigyan ng priyoridad kung ano ang mahalaga kung ikaw ay isang first time parent? Ano ang kailangan mong malaman? May mga bagay na inuuna habang ang iba ay dapat maghintay. Imposibleng malaman mo lahat ng mga pagsubok na kailangan mong paghandaan.
Makaraang dumating ang iyong sanggol, may mga bagay na kailangang pagtuonan ng pansin. Mapapansin mo na mapapadalas ang paghanap mo ng mga solusyon sa internet. Maaaring ito ay isang mahusay na paraan upang makahanap ka ng kapaki-pakinabang na payo, ngunit ang hindi mo mahahanap ay ang "kabuuang larawan". Importante na malaman mo ang mas malalim na pag-unawa sa kalikasan at mga pangangailangan ng iyong sanggol, pati na rin impormasyon tungkol sa mga karaniwang paghihirap ng postpartum. Ang kaalamang ito ay magpapalakas sa iyo at bubuo ng iyong kumpiyansa bilang magulang. Ang iyong bagong pananaw ay makakatulong sa iyo na maiwasan ang pagkalito, takot, pagkabigo at maiwasan ang pagkakadiskonekta mula sa iyong anak at sa iyong intuwisyon. Sinasabi ng karamihan ng mga magulang na ang 4 na mahahalagang katotohanan na ito ay binago ang lahat para sa kanila!
1. Hindi Magkakatulad Ang Bawat Sanggol
Ang mga sanggol ay maaaring magkakaiba sa bawat isa pagdating sa kanilang pag-uugali, o sa madaling salita, ang kanilang mga pag-uugali at tugon sa mga tao at mundo sa kanilang paligid.
Ang mga sanggol ay mayroon ding mga tiyak na pangangailangan, tulad ng mga bata at matatanda.
Kung iyong o-obserbahan ang isang pangkat ng mga ina habang inaalagaan ang kanilang mga bagong silang na sanggol, maaari mong mapansin ang tatlong magkakaibang mga sitwasyon. Ang isang ina ay maaaring pinapanood ang kanyang sanggol na payapang natutulog sa andador. Ang isa ay maaaring naglalakad at sinasayaw ang kanyang sanggol na iritable, sinisikap niya na ito ay mapatulog. Ang pangatlong ina ay maaaring nagpapaalam habang siya ay nagmamadali palayo. Maaaring nagmamadali siyang umuwi upang mapanatili ang pagtulog ng kanyang sanggol.
Ang mga sanggol na nagiging iritable kapag pagod na o nilalabanan ang kanilang tulog ay
maaaring mas mahirap alagaan pagdating sa pagtulog. Ang mga sanggol na ito ay maaaring mangailangan ng tulong ng ibang mga magulang. Gayunpaman, ang pag-hele, pagpapakain, at mga pacifier ay hindi mga saklay ngunit mga bagay na magagamit ng mga magulang para sa kanilang mga sensitibo na sanggol.
Huwag mong ihambing ang pagtulog ng iyong anak sa ibang sanggol. Sa halip, sundin ang iyong kutob bilang magulang upang makilala at matugunan ang natatanging mga pangangailangan ng iyong anak.
2. Ang Mga Sanggol Ay Hindi Kayang Mapaginhawa Ang Kanilang Sarili Kapag Hindi Maganda Ang Kanilang Pakiramdam.
Kahit na ang mga sanggol na tila kalmado at tahimik ay kailangan ang tulong ng kanilang mga magulang upang makontrol ang kanilang emosyon kapag hindi sila maayos o kung nababagabag sila. Siyempre, ang mga kadahilanan na maaaring makapagpainis at ang antas ng stress na maaaring tiisin ng bawat isa ay magkakaiba. Ngunit ang lahat ng mga sanggol at maliliit na bata ay umaasa sa kanilang mga magulang para sa emosyonal na suporta hanggang sa ang kanilang utak ay may kakayahan ng mag-ayos ng sarili sa 4-5 taong gulang.
Mahalagang magkaroon ng kamalayan dahil sa mga kadahilanang ito.
a. Habang ang mga bata ay lumalaki at nabubuo sa mga unang ilang taon, makakaranas sila ng mga masasakit at hindi komportableng mga pagbabago na maaaring tumagal ng mga linggo at maging sanhi ng hirap sa kanilang pagtulog. Kailangan ng mga sanggol ang kanilang mga magulang upang suportahan sila sa pamamagitan ng pag-unawa, pag-aliw, at pagtiyak sa mga oras na ito.
b. Ang "self-soothing" ay isang parirala na madalas mong maririnig. Halimbawa, kapag ang mga sanggol ay nakakatulog nang mag-isa tinatawag itong "self-soothing". Siyempre, maraming mga magulang ang nais na malaman ng kanilang mga sanggol ang kasanayang ito, upang makatulog sila sa buong gabi. Ngunit ang ilang mga sanggol ay maaaring mangailangan ng maraming pasensya at pagkamalikhain mula sa kanilang mga magulang sa pag-aaral na makatulog nang mag-isa dahil sa kung anong nararamdaman nila kapag pagod na sila.
Ang mga sensitibong sanggol ay nakakaramdam ng lungkot kapag umabot ang pagkapagod, lalo na kung umabot sa sobrang pagod o nahihirapan sa pagtulog. Karaniwang kailangan ng mga sanggol na ito na yakapin o hawakan sila ng kanilang magulang upang sila ay kumalma. Ang pangangailangan na ito ay maaaring maging malaking hamon upang turuan ang isang sensitibong sanggol na pakalmahin ang sarili gamit ang tradisyunal na pamamaraan dahil ang layunin ay upang sila ay huminahon at makatulog nang walang tulong.
Huwag pilitin ang iyong sensitibong anak. Kung nakatuon ka sa pagbuo ng tiwala ng iyong sanggol, magagawa mong mapalalim at mapagbuti ang kanyang pagtulog. Gayundin, kung palagi kang nag-aalok ng ginhawa kapag kinakailangan nya ito,
matututunan niyang mapabuti ang kanyang nararamdaman.
3. Karamihan Sa Mga Bagong Silang Na Sanggol Ay Hindi Marunong Makatulog Nang Maayos Na Mag-Isa.
Mayroong mga paniniwala tungkol sa pagtulog ng mga batang sanggol, at isa doon ay ang ideya na maaari nilang malaman kung paano matulog nang maayos nang mag-isa. Kung inaasahan mong ang mga bagong silang na sanggol ay karaniwang magtuturo sa kanilang sarili na makatulog sa kanilang sariling mga kama, mabibigo ka o maiisip mong mali ang iyong ginagawa.
Kung tumingin ka sa mga online polls tungkol sa kawalan ng pagtulog, makikita mo kung gaano karaniwan ang kawalan ng tulog sa unang taon ng pagiging magulang. Wala kang ginagawang masama kung ang iyong anak ay madalas na gumising sa gabi o gusto ng maikling idlip. Normal na normal ito. Dapat mong asahan ang paggising ng iyong anak sa gabi sa unang 2-3 taon kapag kailangan nila ng pagkalinga mula sa iyo. Kalimutan ang tungkol sa mahabang tulog; ang mga sanggol ay mangangailangan ng mga pag idlip na may haba na 20-45 minuto hanggang sa edad na apat na buwan.
Ang mga batang sanggol ay karaniwang umaasa sa patnubay ng kanilang mga magulang upang mabuo ang malusog na gawi sa pagtulog. Iyon ang dahilan kung bakit maraming mga libro tungkol sa pagtulog ng sanggol, mga consultant, at mga kurso na magagamit. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang mga mapagkukunan na ito ay mayroong lahat ng mga sagot.
Ang pagtuturo kung paano matulog ay maaaring maging kumplikado para sa ilang mga sanggol. Dagdag pa doon, ang pag-uugali ng iyong anak ay maaaring maging isang hamon para siya ay maturuan. Ang mga tradisyunal na pamamaraan ay madalas na hindi epektibo para sa mga sensitibong bata. Maaaring hindi mo magustuhan ang ilanman sa mga pamamaraang ito. Ang mga patakaran sa pagsasanay sa pagtulog ay maaaring labag sa iyong prinsipyo at mga pangangailangan ng iyong anak, kaya ang ilang mga tao ay pipiliing matulog katabi ang kanilang sanggol, habang ang iba ay piniling maghanap ng ibang pamamaraan tulad ng sa akin. Ikaw ang pinakamahusay na magpapasya ng kung ano ang mainam para sa iyong pamilya.
Ang ilan sa mga susunod kadahilanan ay maaari din maging sanhi ng mga isyu sa pagtulog.
4. Ang Ilang Mga Karaniwang Problema Ay Maaaring Maging Isyu Sa Pagiging Magulang.
Ang ilang mga paksang pangkalusugan para sa mga sanggol at magulang ay mahalaga kung nais mong maging handa at pangasiwaan ang mga ito. Siyempre, walang nagnanais ng labis na mga pagsubok sa pagiging magulang, ngunit ang mga kadahilanang ito ay mahalagang malaman dahil ito ang karaniwang isyu sa mga unang ilang buwan o higit pa.
a. Ang mga magulang ay madalas na hindi mapaghahandaan ang mga problema sa kalusugan ng sanggol na lilitaw sa mga unang buwan. Ihanda ang iyong sarili para sa mga isyu sa kalusugan tulad ng mga problema sa pagpapakain, reflux, intolerances ng pagkain, alerdyi, oral ties, at kabag. Kadalasan, ang mga isyung ito ay magkakaugnay. Maghanap ng mga doktor at dalubhasa na may kaalaman sa mga isyung ito upang maiwasan ang paghahanap ng solusyon sa pamamagitan ng iyong sarili.
Maghanap ng isang doktor na makikinig sa iyo. Magtiwala sa iyong intuwisyon at maghanap ng higit sa isang opinyon. Kadalasan tama ang mga magulang kapag nakikinig sila sa kanilang intuwisyon.
b. Pang Karaniwan ang makaranas ng postpartum depression at pagkabalisa. Sa kasamaang palad, ang mga kundisyong ito ay hindi naiuulat at madalas na hindi mabigyan ng lunas. 1 sa 7 kababaihan ay nagkakaroon ng postpartum depression, at 1 sa 10 ay nagkakaroon ng pagkabalisa pagkatapos manganak. Mahalagang malaman na ang mga ama ay maaaring magkaroon din ng postpartum depression at pagkabalisa. Ito ay nangyayari sa halos 5 hanggang 10% ng mga kalalakihan. Ang tinatawag ng mga eksperto na "mga baby blues" ay maaaring maging mga postpartum na karamdaman sa kalusugang pangkaisipan kung mananatili silang mas mahaba sa 3 linggo. Dapat palaging gamutin ng mga propesyonal ang mga ito sa dalubhasang pagsasanay.
Ang mga karamdaman sa postpartum na ito ay maaaring magkaroon o lumala anumang oras sa unang taon o higit pa, lalo na kung nagpapasuso ka. Ang pamamahala ng PPA at / o PPD habang ikaw ay nangangalaga sa isang bata ay hindi madali, kaya kakailanganin mo ng dagdag na suporta!
Mayroong mga mapagkukunan online tulad ng www.postpartum.net na nagpapaliwanag ng mga dapat bantayan, nag-aalok ng mga 24-oras na helpline, at may mga listahan ng mga bihasang therapist kung saan ka nakatira. (Ang ilan sa mga dapat bantayan ay ang pakiramdam tulad ng wala ka sa iyong sarili at pakiramdam ng palaging pag-aalala at takot.)
Tandaan na ang kawalan ng pagtulog ay ang # 1 kadahilanan na maaaring magdulot o magpalala ng mga postpartum na karamdaman sa kalusugan ng isip. Ang paglutas ng kawalan ng tulog ay ang # 1 na paraan upang mapagbuti ang mga ito.
c. Ang pagtulog ng iyong anak ay maaaring lubos na maapektuhan ng mental at pisikal na paglaki, pagkabalisa sa tuwing nahihiwalay, at pagngingipin, depende sa
kung gaano sila ka-sensitibo. Kung ang pagtulog ng iyong anak ay madalas na nagambala o hinihingi nila ang iyong buong lakas, tandaan na hindi ito isang masamang asal, at wala kang ginawang mali. Mayroong mga kadahilanan para sa mahinang pagtulog at clingy na pag-uugali. Mataas ang tsansa na ang iyong anak ay hindi maganda ang pakiramdam at kailangan ang iyong kalinga.
Tuklasin ang mga italicized na paksa upang maunawaan kung ano ang pinagdadaanan ng iyong anak. Mahahanap mo ang mga palatandaan at sanhi ng pag-iba ng pagtulog at higit pa sa aking mga post sa social media. Tandaan, kapag biglang nagbago ang pagtulog, may nangyayari sa loob ng iyong sanggol. Tumugon, maging mapagkalinga at umasa sa natural na mga remedyo upang makapagbigay lunas sa iyong anak.
Magpatuloy na alamin ang tungkol sa pag-unlad, mga kasangkapan sa pagiging magulang, at mga natatanging pangangailangan ng iyong anak upang maging handa para sa paparating na mga hamon upang hindi masorpresa o mabigla. Makakakuha ka ng kumpiyansa bilang isang magulang at makakahanap ng kapayapaan ng isip habang pinagkakatiwalaan mo ang iyong intuwisyon, kumonekta sa iyong anak, tumugon sa kanilang mga pangangailangan, at humingi ng suporta kapag kailangan mo ito.
Meredith Brough, Executive Contributor ng Brainz Magazine
Si Meredith Brough ay isang makabagong negosyante na lumikha ng isang mapayapa at mahabagin na diskarte sa paglutas ng mga problema sa pagtulog ng mga sanggol at maliliit na bata. Siya ay ina ng limang anak, isang coach ng pagtulog, at dalubhasa sa pangangalaga ng bata. Siya ay dalubhasa sa pagtatrabaho sa mga natatanging ugali ng mga bata, nagtitiwala sa intuwisyon, at sumusuporta sa mga sanggol at maliliit na bata sa panahon ng sleep regression. Mula nang mga bata pa ang kanyang mga anak, buong pagmamahal niyang inalagaan ang maraming mga sanggol at sanggol sa kanyang bahay at nakabuo ng isang mabisang paraan para sa mapayapang pagsasanay sa pagtulog.
Matapos maglingkod sa mga pamilya sa loob ng 15 taon, isang ina ng dalawang buwan na kambal ang nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Meredith dahil sa mga tinuro niya na nakapagpabago ng kanyang buhay. Ang palitan na ito ay nagbigay inspirasyon kay Meredith upang maging isang coach ng pagtulog at lumikha ng kanyang kumpanya, "Sweet Slumber." Ngayon ay tinuturo niya sa mga magulang mula sa buong mundo sa pamamagitan ng one-on-one coaching, ang kanyang mga matagumpay na programa sa pagtulog, at matagumpay na Sleep Membership Site. Pinamamahalaan din niya ang matagumpay na pangkat ng Facebook sa Pagtulog, kung saan libu-libong mga kababaihan mula sa higit sa 100 mga bansa ang umaasa sa kanya para sa mga solusyon, pananaw, at paghikayat. Si Meredith ang host ng podcast, "The Sweet Slumber Podcast: The Good, the Bad, and the Sleep Deprived."